Iniutos na ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa mga recruiter ng OFW na si Mary Jane Veloso.
Base sa resolusyong nilagdaan ni Prosecutor General Claro Arellano, may probable cause para isulong na ang kaso laban kina Kristina Sergio, Julius Lacanilao at isang alyas Ike.
Isasampa ang kasong qualified human trafficking, illegal recruitment at estafa sa Regional Trial Court sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Ang pagsasampa ng kaso ay base na rin sa reklamo ng biktimang si Veloso sa DOJ. Kasalukuyang nasa death row sa Indonesia si Veloso dahil sa nadiskubreng droga sa kanyang maleta noong 2010.
Itinuturo ni Veloso si Sergio at Lacanilao na siya umanong nag-recruit nagbigay sa kanya ng maleta na lingid sa kanyang kaalaman ay naglalaman pala ng nasa 2.6 kilo ng heroin.
April 29, 2015 isasalang na sana sa bitay si Veloso kasabay ng pito pang mga dayuhan sa Indonesia ngunit hindi ito natuloy makaraang lumantad si Sergio at aminin na siya ang nagrecruit sa Pinay. – Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.