Pacquiao, panalo laban kay Bradley, unanimous decision

April 10, 2016 - 01:16 PM

pacquiaoWagi si Filipino Boxing Icon Manny Pacquaio kontra kay American boxer Timothy Bradley… sa ikatlo at huling laban nila sa ring.

Sa iskor na 116-110, tinalo via unanimous decision ni Pacquiao si Bradley.

Lagpas alas-onse nang simula ang seremonyas para sa PacBradley boxing match sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ang kumanta ng pambansang awit ng Pilipinas ay ang World Choir of the Philippines, habang ang American Idol Season 15 winner ang kumanta ng Star Spangled Banner.

Naghiyawan naman nang pumasok sa arena si Pacquiao.

Ang boxing match ni Pacquiao kay Bradley ay huli na para sa Pambansang Kamao na nauna nang nag anunsyo ng kanyang retirement sa pagiging boksingero.

Si Pacquiao ay kandidato sa pagka-Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA para sa May 9 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.