Aktor na si Julio Diaz, nasa kritikal na kundisyon

By Isa Avendaño-Umali April 10, 2016 - 08:02 AM

Julio DiazUmapela ang kapatid ng veteran actor na si Julio Diaz para sa medical assistance matapos isugod ang aktor sa ospital dahil sa atake sa puso.

Sa GoFundMe page ni Ana Marie Datuin, kinumpirma ng kanyang kapatid na si Diaz ay hinimatay noong Biyernes at dinala sa pagamutan.

Batay aniya sa CT scan, ‘swelling’ o namamaga ang ugat sa utak ni Diaz kaya nangangailangan na maoperahan sa loob ng 24 hanggang 48 hours,

Kapag hindi raw naisakatuparan ang operasyon, posibleng magka-aneurysm si Diaz at magdulot ito ng fatal damage.

Kagabi, mula sa ospital sa Bulacan ay nailipat na ito sa St. Luke’s Global sa Bonifacio, Taguig.

Batay sa huling update, aabot na sa 3,600 dollars ang nalikom para sa aktor.

Si Diaz ay nakilala sa mga pelikulang ‘Sinner or Saint’, ‘Paano Tatakasan ang Bukas’, ‘Kailan Ka Magiging Akin’, ‘Bayani’, ‘Sakay’ at marami pang iba.

 

TAGS: Julio Diaz, Julio Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.