Pacquiao mas magaan ng isang pound kay Bradley sa kanilang official weigh-in

By Rod Lagusad April 09, 2016 - 08:56 AM

Photo via Ren Zamora

Tumimbang si Pambansang Kamao Congressman Manny Pacquiao ng 145.5 pounds habang ang kalaban niyang American Boxer na si Timothy Bradley ay mas mabigat ng isang pound sa kanilang official weigh in para sa kanilang ikatlong paghaharap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa Linggo.

Nakangiti si Pacquiao habang sinasagawa ang nasabing weigh in at kanyang ipinangako na ibigay ang gustong laban ng mga fans.

Ayon kay Pacquiao ay dapat asahan ang mas maaksyon ng laban sa ring kumpara sa nauna niyang laban.

Ilang Pilipino din ang dumalo sa naturang weigh in para suportahan si Pacman na pawang may dalang mga banners at Philippine Flag.

Sinabi naman ni Bradley na isa itong panibagong oportunidad para ipakita sa mga boxing fans na kaya niyang talunin si Pacquiao.

Matapos nito nag-pose ang dalawang boksingero kasama ang legendary boxing champion na si Roberto Duran habang hawak ang 12-karat diamond na WBO belt na paglalabanan.

TAGS: manny pacquiao, Timothy Bradley, manny pacquiao, Timothy Bradley

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.