DPWH may road reblocking ngayong weekend

By Kathleen Betina Aenlle April 09, 2016 - 05:41 AM

road-constructionInanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsasagawa sila ng road reblocking simula April 8 hanggang April 11.

Sa abiso ng Metro Manila Development Authority (MMDA), aayusin ang ilang mga lugar simula alas-10:00 ng gabi ng April 8, Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, April 11.

Kabilang sa mga lugar na aayusin ay ang:

– 2nd lane mula sa center island ng kalsada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue mula sa Simon St., salungat ng Batasan Road
– 2nd lane mula sa sidewalk ng C.P Garcia lampas ng Magiting St.
– 2nd lane ng Quirino highway na katapat ng Chowking sa may Fatima Lagro

Para makaiwas sa aberya ng posibleng idulot na trapik, inabisuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.