Pacquiao, hindi na tinuloy ang sana’y huling workout

By Kathleen Betina Aenlle April 09, 2016 - 05:35 AM SHARE(S):
Inquirer file photo
Inquirer file photo

Tila himalang nakinig si Manny Pacquiao sa kaniyang team nang kanselahin niya ang kaniyang training kahapon.

Dumating si Pacquiao sa Top Rank Gym, Huwebes sa Amerika, na parang pursigidong mag-sanay kahit kaunti pagkatapos niyang tumakbo noong umaga, na labag sa usapan nila ng kaniyang mga trainers.

Nais kasi ni coach Freddie Roach na ipahinga na lamang ni Pacquiao ang huling dalawang araw bago ang kaniyang laban kay Timothy Bradley Jr., para na rin ikondisyon ang kaniyang katawan.

Dumiretso agad si Pacquiao sa locker room para maghanda sa training, ngunit matapos ang 20 minutos ay lumabas rin ito ng gym nang walang kapawis-pawis.

Inasahan na ng Team Pacquiao na magmamatigas si People’s Champ at tutuloy pa rin sa training, ngunit nanaig sila at napapayag nila itong magpahinga na lang.

Ayon sa kaniyang assistant trainer na si Buboy fernandez, napakiusapan nila si Pacquiao na huwag nang ituloy ang sana’y huling araw na ng kaniyang training.

Paliwanag ni Fernandez, ayaw naman nilang maging lupaypay si Pacquiao sa laban niya, kaya naman laking tuwa nila na natinag din ito sa kanilang pakiusap.

Tumuloy na lamang si Pacquiao sa kaniyang suite sa Delano Mandalay Bay para pamunuan ang isang bible study session kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Wala na ring naka-schedule na workout si Pacquiao bago o pagkatapos ng kanilang weigh-in ni Bradley na bukas sa publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.