Pustahan kina Bradley at Pacquiao, unti-unting nagpapantay

By Jay Dones April 08, 2016 - 04:19 AM SHARE(S):

 

Rem Zamora/Inquirer

Halos nagpapantay na ang halaga ng pustahan o dibidendo sa pagitan nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley habang lumalapit na ang araw ng ikatlong pagtutuos ng dalawa.

Ayon sa sports book ng MGM Grand Garden, nasa negative 230 (-230) favorite na lamang si Pacquiao samantalang nasa positive 180 (+180) si Bradley.

Ibig sabihin, sa $230 na taya o pusta kay Pacquiao, mananalo ito ng $100.

Samantala, sa $100 na pusta kay Bradley, mananalo ito ng 180 dollars.

Malaki itong pagbabago kung ihahambing sa negative 260 (-260) pabor kay Pacquiao at positive 200 (+200) pabor kay Bradley noong January 16.

Ayon sa ilang mga eksperto, posibleng humihina ang popularidad ni Pacquiao o di-kaya ay nagiging popular si Bradley.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.