Coach Freddie Roach, duda kung may pinagbago si Bradley

By Kathleen Betina Aenlle April 07, 2016 - 04:21 AM SHARE(S):

 

Kuha ni Rem Zamora/Inquirer

Hindi kumbinsido sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at coach Freddie Roach sa sinasabi ni Timothy Bradley Jr. na mas gumaling na siya sa pakikipaglaban at malaki na ang kaniyang ipinagbago.

Sa tuwing lumalabas kasi siya sa publiko, ibinibida ni Bradley ang mga pagbabago sa kaniya na dulot ng pagsasanay sa kaniya ng bago niyang trainer na si Teddy Atlas.

Ayon pa kay Bradley, malaki ang itinulong sa kaniya ni Atlas dahil mala-analyst nitong pinag-aralan si Pacquiao para idikta kay Bradley kung paano tatalunin si People’s Champ.

Kaya hamon ni Roach, dapat mapanindigan ni Bradley ang kaniyang mga sinasabi, habang naniniwala naman si Pacquiao na bagaman may mga bagong pakulo ang kalaban niya, hindi naman ito mas gumaling.

Sa tingin ni Pacquiao, wala namang improvement kay Bradley, bagkus ay mga bagong estilo lamang.

Samantala, pareho namang ninanais nina Pacquiao at Bradley na magkaroon ng pasabog na laban na makakapagpasaya sa kanilang mga fans at kababayan.

Pareho rin nilang iniisip na “last shot” na ito kaya kailangan nilang pagbutihin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.