NPA at military nagbakbakan sa Mindoro

By Erwin Aguilon April 06, 2016 - 11:48 AM

occidental mindoroIsang sundalo na ang sugatan sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng militar at New People’s Army na sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Sa inisyal na ulat na nakalap mula kay 204th Brigade Commande Col Gabin Edhawan, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng 76th IB sa Barangay Harisson sa bayan ng Paluan ng makasagupa ng mga ito ang grupo ng mga rebelde.

Sa inisyal na putukan, nasugatan ang hindi muna kinilalang sundalo na kaagad din namang nailikas.

Nagsimula ang engkwentro 7:15 kanina at nagpapatuloy pa hanggang sa mga oras na ito.

TAGS: 1sundalosugatan, bakbakan, Militar, NPA, 1sundalosugatan, bakbakan, Militar, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.