Pacquiao at Bradley, handa nang magharap

April 06, 2016 - 04:24 AM SHARE(S):

 

AP photo
AP photo

Handang-handa na sina pambansang kamao Manny Pacquiao at Timothy Bradley Jr. sa ikatlong paghaharap nila sa ring sa darating na Sabado, April 9.

Sa sobrang kahandaan ng magka-tunggali, pwede na raw silang lumaban ngayon mismo.

Hindi na makapaghintay si Bradley, at sinabi pa na ang pinakamahirap na bahagi sa laban ay ang paghihintay sa mismong araw ng paghaharap ng magkatunggali.

Kung sa pisikal na aspeto lamang ay handa na si Bradley, ngunit aniya, ang kailangan niyang sanayin ay ang pagkokontrol ng kaniyang mental game dahil minsan ay nawawala aniya siya sa sarili kapag nasa ring na.

Samantala, buong pagmamalaki namang sinabi ng kampo ni Pacquiao na handang handa na rin silang sumabak sa laban anumang oras.

Ayon sa kaniyang assistant trainer at kaibigan na si Buboy Fernandez, mas mabuti pa aniyang maglaban na sina Pacquiao at Bradley ngayong araw nang magka-alaman kung sino talaga ang magaling.

Ayaw naman nina Fernandez at coach Freddie Roach na sumabak sa matinding workout si Pacquiao ngayong Miyerkules hanggang bukas, upang i-kondisyon ang kaniyang katawan para sa Sabado.

Ani pa Bradley, may mga bago siyang diskarte na ilalabas sa laban na ito at inaasahan din nilang gagalingan rin ni Pacquiao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.