Food blockade para sa mga magsasaka sa Kidapawan di tototo – Malakanyang

By Alvin Barcelona April 05, 2016 - 08:23 PM

kidapawan3-0404
Inquirer file photo

Walang katotohanan na may food blockade sa Kidapawan City tulad ng napabalita.

Base sa pahayag na ipinadala ni Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman kay Communications Sec Sonny Coloma, sinabi nito na walang harangan ng pagkain base sa feedback ng kanyang mga staff sa Kidapawan City.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal para sa delivery ng mga bigas at foodpacks sa mga munisipalidad na tinukoy ng mga Local Government Units at mga raliyista.

Magugunitang may donasyong ang ilang artista na 400 sako ng bigas para sa mga magsasaka pero may barikada umano ng pulis kaya hindi maipamahagi.

Noong Linggo ay tatlo  katao ang namatay makaraan ang dispersal operations na ginawa ng PNP laban sa mga magsasakang nagrally at humingi ng tulong sa pamahalaan makaraan silang maapektuhan ng grabeng El Niño.

TAGS: dswd, food blockade, Kidapawan City, soliman, dswd, food blockade, Kidapawan City, soliman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.