Pacquiao minura at tinangkang saktan sa Holywood

By Den Macaranas April 04, 2016 - 05:09 PM

Manny Pacquiao ferrari
Inquirer file photo

Halos isang linggo bago ang kanyang pagbabalik sa boxing ring ay mas hinigpitan ang seguridad kay People’s Champ Manny Pacquiao.

Kasunod ito ng insidente kanina kung saan ay sinugod si Pacquiao at tanangkang saktan ng isang hindi nakilalang amerikano.

Sinabi ni David Sission, personal assistant ni Pacquiao na kagagaling lamang sa loob ng Kabuki Japanese Restaurant sa Vine st. sa Holywood ng Pambansang Kamao nang siya’y salubungin ng mga tagahanga.

Habang nakikipag-kamay sa mga tao ay bigla umanong sumulpot ang isang matangkad na lalaki na ayon sa mga nakasaksi ay nasa pagitan ng 35 hanggang 40-anyos ang edad.

Tinangka umano ng nasabing lalaki na suntukin si Pacquiao pero kaagad naman itong nasangga ng kaibigan ni Pacman na si Edward Lura.

Kaagad na kinuyog ng mga bodyguards ni Pacquiao ang nasabing lalaki pero inawat sila ng Saranggani Congressman at sinabing huwag saktan ang naturang amerikano.

Pero hindi natapos ang gulo dahil patuloy umano sa pagmumura ang lalaki habang papalayo at tinawag pang “homophobic” si Pacquiao.

Sa kabuuan ng gulo ay nanatiling kalmado ang pambansang kamao ayon sa pahayag ng ilang mga saksi sa pangyayari.

TAGS: Bradley, holywood, Pacquiao, U.S, Bradley, holywood, Pacquiao, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.