PNP umaming problema nila ang kakarampot na pondo

By Den Macaranas April 02, 2016 - 09:07 AM

PNP-chief-sona
Inquirer file photo

Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na problemado sila sa kanilang budget lalo’t nalalapit na ang eleksyon.

Ipinaliwanag ni PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez na pinagkakasya lamang nila ang P462 Million na pondo para sa kasalukuyang taon.

Higit umanong mababa ang nasabing pondo kumpara sa kanilang hiniling na P708 Million.

Malaking bahagi ng nasabing pondo ang kanilang ilalaan bilang allowance ng kanilang mga tauhan na magkakaroon ng importanteng papel sa darating na halalan.

Inaasahan din ng PNP na gagastos sila ng malaki sa food allowance ng kanilang mga tropa sa buong panahon ng eleksyon.

Muli namang pinaalalahanan ni Marquez ang kanilang mga tauhan na huwag makisawsaw sa mga usaping pulitikal at manatiling neutral sa pag-ganap ng kanilang tungkulin.

TAGS: 2016 Budget, election, PNP, ricardo marquez, 2016 Budget, election, PNP, ricardo marquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.