“Hindi kami nagkulang ng tulong sa kanila” – Gov. Mendoza

By Den Macaranas April 02, 2016 - 08:58 AM

Kidapawan paluan
Inquirer file photo

Nilinaw ni North Cotabato Governor Emmylou Mendoza na hindi nagkulang ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga magsasakang biktima ng El Niño sa kanilang lugar.

Sinabi ni Mendoza na regular ang pagbibigay ng relief goods partikular na ng bigas sa mga magsasakang hindi makapagtanim sa kasalukuyan dahil sa sobrang tagtuyot na nararanasan ng kanilang lalawigan.

Kahapon ay tatlo ang namatay sa mga hanay ng halos ay 4,000 mga magsasaka na ilang araw nang nagpipiket sa National Highway sa Kidapawan City.

Nangyari ang karahasan sa pagitan ng mga ralytista at mga tauhan ng Philippine National Police makaraang tumanggi ang mga nagra-rally na lisanin ang lugar.

Sinabi ng pamunuan ng PNP na iimbestigahan nila ang mga akusasyon na bala ang ikinamatay ng mga biktima makaraan umanong magpaputok ng baril ang ilan sa kanilang mga tauhan sa gitna ng isinasagawang dispersal operation.

Pero iginiit ng PNP na napasukan ng ilang mga militanteng grupo ang hanay ng mga magsasaka at sila umano ang nag-udyok sa mga ito na manggulo.

Sa panig naman ng mga ralyista, kanilang iginiit na pagkain at bigas lamang ang hinihingi nila sa kanilang lokal na pamahalaan pero bala naman ang ibinalik na kapalit ng kanilang mga kahilingan.

TAGS: el nino, Emmylou Mendoza, Kidapawan City, North Cotabato, el nino, Emmylou Mendoza, Kidapawan City, North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.