Mga kabataan na galing sa ghost hunting niratrat ng mga pulis

By Den Macaranas April 02, 2016 - 07:12 AM

San Miguel Bulacan
Bulacan.gov.ph

Suspendido ang limang tauhan ng San Miguel Bulacan Police Office makaraan nilang pagbabarilin ang isang Asian Utility Vehicle (AUV) na sinasakyan ng limang kabataang galing sa ghost hunting sa Bulacan.

Ayon sa report, galing sa loob ng San Miguel Bulacan Public Cemetry makaraang mag ghost hunting ang limang kabataan na may edad 13 hanggang 18-anyos kasama ang kanilang driver.

Paglabas nila sa sementeryo ay kaagad umano silang pinagbabaril ng ilang mga armadong kalalakihan kaya kaagad na pinaharurot ng kanilang driver ang sasakyan.

Mabilis silang nagpunta sa San Miguel Bulacan Police Station para i-report ang ginawang pamamaril sa kanilang sasakyan at doon nila natuklasan na mga tauhan pala ng PNP ang bumaril sa kanila.

Sinabi ni San Miguel Bulacan Police Station Commander Supt. Joel Santos Estaris na may paggkakamaling ginawa ang kanyang mga hindi pinangalanang mga tauhan kaya’t kaagad silang na-relieved sa pwesto habang iniimbestigahan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), umabot sa labing-limang tama ng bala ang nakita nila sa AUV ng mga biktima.

Pero sa kabutihang palad ay wala isa man sa  nasabing mga bala ang tumama sa mga biktima ng pamamaril.

TAGS: Ghost hunting, PNP, San Miguel Bulacan, Ghost hunting, PNP, San Miguel Bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.