Gastos sa BEI uniforms sayang lang ayon sa isang election watch group

By Chona Yu March 30, 2016 - 05:00 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Mariing kinondena ng grupong Legal Network for Truthful Elections o LENTE ang paggastos ng dalawamput dalawang milyong piso ng commission on elections para ipambili ng mga T-shirts bilang uniform ng mga kasapi ng Board of Election Inspectors at ng kanilang mga empleyado para sa May 9 national elections.

Ayon sa Lente, pagsasayang lamang sa pondo ng bayan ang naturang plano ng Comelec.

Sa halip anila na aksayahin ang pera, mas makabubuti kung gagamitin na lamang ito bilang dagdag kompensasyon sa mga guro na magsisilbing miyembro ng BEI.

Dapat ay P4,500 ang kompensasyon ng mga guro na magsisilbi sa halalan ayon sa grupo.

Pero dipensa ni Comelec spokesman James Jimenez, magbibigay ng dignidad sa mga BEI membersang bagong uniform.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsusuot ng uniporme ang mga guro sa araw ng eleksyon mula nang maitatag ang Comelec noong 1940.

TAGS: BEI, comelec, Election 2016, Jimenez, Lente, BEI, comelec, Election 2016, Jimenez, Lente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.