Hackers hindi uubra sa election system ayon sa Comelec

By Chona Yu March 28, 2016 - 08:25 PM

Comelec jamesTiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na mahihirapan na mapasok ng mga hacker ang election system na gagamitin sa Mayo.

Paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez, ang vote counting machine o VCM na sentro ng election system ay gumagamit ng encrypted data at virtual private network kaya mahirap itong atakehin ng hacking.

Ang mga data na nanggagaling sa VCM ay ibinabato naman sa maraming recipient kaya madaling mabuking kung may nabago ba sa mga nakulektang datos.

Dagdag pa ng opisyal, hiwalay na website ang gagamitin para sa pagsasapubliko ng election results at mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipatutupad dito para hindi maatake ng mga hackers.

Ginawa ng Comelec ang paniniyak sa publiko makaraang ma-hack ng dalawang beses ang website ng poll body.

TAGS: comelec, hackers, VCM, comelec, hackers, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.