Senator Bongbong Marcos, nangampanya sa bayan ni PNoy sa Tarlac

By Jong Manlapaz March 28, 2016 - 12:45 PM

Inquirer Photo / Jeannette Andrade
Inquirer Photo / Jeannette Andrade

Sa mismong bayan ni Pangulong Benigno Aquino III nag-ikot ang si vice presidential candidate at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw.

Binisita ni Marcos ang bayan ng San Manuel sa lalawigan ng Tarlac, kung saan nananawagan siya ng pagkakaisa sa mga residente.

Sa kanyang ginawang pag-iikot at pagbisita sa bayan ng San Manuel nanawagan si Marcos sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony na isulong ang pagkakaisa ng bawat mamamayang Filipino anuman ang lahi.

Sinabi ni Marcos na pinaghati-hati ang mga Filipino ng iilang mga indibidwal na may sariling agenda at ang epekto nito ay ramdam sa mabagal na pag-usad ng ekonomiya.

Aniya panahon na ng pagkakaisa kung saan dapat na isantabi ang kulay ng pulitika upang magtuloy-tuloy ang pagsulong para sa ikauunlad ng bayan.

Bago lisanin ni Marcos ang munisipyo tiniyak ni San Manuel Mayor Benjamin Tesoro, kabilang na ang mga barangay chairman nito na buo ang kanilang suporta sa kandidatura ni Marcos.

Si Marcos ay nakatakda ding dumalo sa Radyo Inquirer Issues Forum sa Tarlac State University ngayong araw.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.