Sunog sa Mt. Apo, hindi na kakalat

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2016 - 12:41 PM

mount apoBagaman nagpapatuloy pa, hindi na umano kakalat pa ang sunog na naitala sa Mt. Apo.

Ayon kay Joey Recemilla, city tourism officer sa Kidapawan City, napawi na ang pangambang umabot sa Lake Venado at sa 72-hectare Ma-ag reforestation area ng Energy Development Corporation (EDC) ang sunog.

Sinabi ni Recemilla na aabot sa 200 volunteers mula sa mga bayan ng Makilala at Magpet at mula sa Kidapawan City ang nagtutulong-tulong para matiyak na hindi na aabutin ng sunog ang Lake Venado.

Ang mga volunteer ay nagsasagawa ng clearing operations sa lake at sa reforestation area.

Bagaman contained na ang sunog, sinabi ni recemilla na nananatili ang pagbabantaynila dahil tuloy-tuloy pa ang paglagablab ng apoy.

Ligtas naman ang lahat ng 120 trekkers na dumaan sa Kidapawan trailes at lahat ay nakabalik.

Kasabay nito, inirekomenda ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na isuspinde muna ang Mount Apo Summer Trek dahil sa insidente.

Ani Evangelista lahat ng Kidapawan trails ay isasara muna sa climbers para maiwasang maulit ang sunog.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.