Pangulo ng bansa, dapat hands-on sa kampanya kontra illegal drugs ayon kay Tolentino

March 28, 2016 - 12:39 PM

Francis TolentinoKailangan ang mas maraming ahensya ng gobyerno o mismong ang pangulo na ng bansa ang mag-hands on upang masolusyunan ang problema sa illegal droga.

Para kay senatorial candidate Francis Tolentino – isang public safety advocate, isa rin kasi ang problema sa droga sa mga malaking banta sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) aabot sa 8,000 barangay o katumbas ng mahigit 20% ng kabuuang bilang ng mga barangay sa bansa ang may problema sa illegal na droga.

Pinakamaraming naitalang insidente nito sa Metro Manila, kung saan 92% ang apektado ng illegal na droga.

Sabi ni Tolentino, dapat ay mismong ang pangulo na ng bansa, katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang manguna sa mga programa para masugpo ang illegal na droga.

Panukala rin ni Tolentino maglaan ng mas malaking pondo para sa mga drug dependent o drug addict sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas maraming pampublikong rehabilitation centers.

Sa ngayon, nasa 11 lang ang rehabilitation centers ng gobyerno sa buong bansa. Bagaman, marami ngang pribadong rehab centers pero mahigit P15,000 kada buwan naman ang bayad sa mga ito.

“Tungkulin ng gobyerno na magbigay ng paraan upang matulungan ang mga drug addict na ‘di dapat ituring na mga kriminal kundi mga biktima. Dapat mabigyan sila access sa mga murang gamot at treatment. Pwedeng maging katuwang dito di lang ang PDEA kundi pati mismo ang Department of Health,“ ayon kay Tolentino.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.