Mas malakas na pag-ulan sa Bataan

July 09, 2015 - 11:00 AM

orange(updated) Itinaas ng Pagasa ang Orange rainfall warning sa lalawigan ng Bataan. Sa ilalim ng Orange rainfall warning, aasahan ang “intense” o mas malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa dalawang lalawigan.

Sa 11AM advisory ng Pagasa, umabot na sa 15 hanggang 30mm ang naibuhos na tubig ulan sa Bataan sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa sa susunod na dalawang oras.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente na maging handa sa pagbahang maidudulot ng pag-ulan.

Samantala, Yellow rainfall warning naman o “heavy” ang umiiral sa Zambales, Bulacan, Cavite, Metro Manila, Batangas, Laguna at Rizal

Nangangahulugan ito na nakapagtala na ng 7.5 hanggang 15mm na dami ng pag-ulan sa Metro Manila at anim na lalawigan sa nakalipas na isang oras at inaasahang tatagal pa ng dalawang oras, at inaasahan ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Sa parehong abiso ng Pagasa, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang naka-aapekto sa mga lalawigan ng Quezon, Tarlac, Nueva Ecija at Pampanga

Ayon sa Pagasa ang nararanasang mga pag-ulan ay epekto ng habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon./ Dona Dominguez-Cargull0

 

TAGS: Radyo Inquirer, rainfall warning, yellow rainfall warning, Radyo Inquirer, rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.