Bungo ng World War II veteran, ninakaw sa sementeryo sa North Carolina

By Dona Domiguez-Cargullo March 25, 2016 - 11:18 AM

north carolinaNinakaw ang bungo ng isang World War II veteran sa sementeryo sa Hickory, North Carolina.

Ayon sa mga otoridad, pinasok ng magnanakaw ang mausoleum sa North Carolina cemetery.

Isang empleyado umano ang nakapuna na may sira sa mausoleum kaya agad itong tumawag sa pulis.

Nang dumating ang mga otoridad, nakita nilang bukas ang puntod at ataul ni James William Floyd na isang WWII veteran.

Natuklasan ding nawawala ang bungo nito. Maliban sa bungo ni Floyd ay wala nang ibang kinuhang parte.

Mananatili muna sa punerarya ang labi ni Floyd habang inaayos ang nasirang libingan.

Sa kaniyang obituary nakasaad na nasawi si Floyd noong July 2008 sa edad na 84.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.