Senate Bet Francis Tolentino inihirit ang agriculture subject sa Senior High School

March 23, 2016 - 01:09 PM

Francis Tolentino 2Ikinukunsidera din ni independent senatorial candidate Francis Tolentino ang pagsulong na maisama ang agrikultura sa mga ituturo sa senior high school.

Pinansin ni Tolentino na ang mga inaalok na specialization sa k to 12 program ng DepEd ay technical-vocational, livelihood, sports at arts and design.

Aniya maganda kung maidaragdag sa academic tracks sa senior high school ang agricultural technology o agri tech.

Pinansin ng dating MMDA chairman na sa ngayon ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa ay 57 gayung napakalawak pa ng mga taniman sa bansa.

Dagdag ni Tolentino na mahalaga na mahalin muli ng mga kabataan ang pagsasaka at matutunan ang mga makabagong paraan pagsasaka at mapalakas pa ang agricultural productivity ng bansa para sa ating food security.

TAGS: Agriculture, Senior High School., Tolentino, Agriculture, Senior High School., Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.