Comelec naghahanap ng mga IT experts

By Chona Yu March 21, 2016 - 08:17 PM

PCOS-0106
Inquirer file photo

Para sa mga naghahanap ng trabaho na mga residente sa lalawigan ng Laguna, nangangailangan ngayon ang Commission on Elections (Comelec) ng isandaan at limampung kontraktuwal na mga mangagagawa bilang pre-election logical accuracy test verifier.

Ayon sa Comelec, ito ay para sa paghahanda sa May 9 national elections.

kinakailangan na nakaabot ng second-year college at may kaalaman sa information technology ang mga aplikante.

Ayon sa Comelec, mas mainam kung may background ang mga aplikate sa mga PCOS machines na ginamit noong mga nagdaang elekyon.

Kinakailangan din na walang mga kamag anak na kandidato sa eleksyon ng hanggang 4th degree.

Makatatanggap ng minimum wage na sweldo na rate ng Metro Manila ang makapapasok sa trabaho.

Magsisimula ang hiring ng Comelec sa March 21 hanggang 23 at makapagtatrabaho mula March 28 hanggang April 30 sa Jam warehouse sa Brgy. Pulong Sta. Rosa Laguna.

TAGS: comelec, laguna, PCOS, comelec, laguna, PCOS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.