2nd presidential debate mas magiging maaksyon ayon sa KBP

By Den Macaranas March 19, 2016 - 02:57 PM

Debate KBPTiniyak ni Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) national chairman Herman Z. Basbaño na mas magiging maganda ang 2nd presidential debate bukas na gaganapin sa Performing Arts Hall ng University of the Philippines (UP) Cebu campus.

Sinabi ni Basbaño na may dalawang round na bago para sa mga manonood ng debate.

Una ang statement at tanong na manggagaling sa limang miyembro ng panel na dapat sagutin naman ng mga kandidato sa loob ng dalawang minuto.

Susundan ito ng pagtatanong na mismong manggagaling sa mga kandidato.

Mayroon ding inilaan na tatlong minuto para sa bawat presidentiables na sagutin ang tanong na susundan ng rebuttal na tatagal ng 30 seconds at tanong na ibabato ng iba pang kandidato.

Pangunahin sa mga pag-uusapang isyu ay naka-sentro sa climate change, disaster preparedness, lagay ng edukasyon, women’s rights at health issues.

Imbes na dalawang oras ay gagawin ding tatlong oras ang debate para mas maipaliwanag ng mga kandidato ang kanilang mga posisyon sa ibat-ibang mga isyu.

Sisimulan ang debate alas-singko ng hapon na inaasahang tatagal hanggang alas-otso ng gabi.

Dahil sa isyu ng seguridad ay tatlong-daan lamang ang papayagang manood sa loob ng venue samantalang may ilalagay na mga big screens sa paligid ng U.P Cebu Campus para sa publiko at mga taga-suporta ng mga kandidato.

TAGS: Cebu City, comelec, KBP, Presidential debate, UP Cebu, Cebu City, comelec, KBP, Presidential debate, UP Cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.