Manny at Jinky, binisita si Mary Jane

July 08, 2015 - 07:18 PM

11728306_10204592695203095_757027734_o
Mula sa Instagram Account ni Rep. Pacquiao

Tinupad ni Filipino Boxing Champion at Saranggani Rep. Manny Pacquiao ang kanyang pangakong bibisitahin si Mary Jane Veloso na nasa death row sa Indonesia.

Batay sa impormasyon mula sa opisina sa Kamara ni Pacquiao, kasama ng Pambansang Kamao ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao na bumiyahe patungong Indonesia kahapon, ika-7 ng Hulyo.

Gayunman, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang tanggapan ni Pacquiao, pero sinabing ang pagbisita nito kay Veloso ay layong makita ang sitwasyon ng Pinay na hinatulan ng execution dahil sa kasong may kinalaman sa droga.

Matatandaang noong kasagsagan ng ensayo ni Pacquiao para sa boxing match nito ang Floyd Mayweather Jr., naisingit ng Filipino Boxer ang pag-apela sa Indonesian Government na huwag ituloy ang parusang kamatayan kay Veloso.

Si Pacquiao ay tumayong Acting Chairman ng House Committee on OFW affairs noong magbitiw bilang Kongresista si dating Akbayan Partylist Rep. Walden Bello.

Tinarget ni Pacquiao na masungkit na ng tuluyang ang Chairmanship ng Komite, subalit bigong ibigay sa kanya ito ng House leadership. Sa halip, balik Vice Chairman si Pacquiao, habang si AGAP PL Rep. Nicanor Briones ang itinalagang pinuno ng lupon. / Isa Avendaño-Umali

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.