Frank Sinatra Jr., pumanaw na dahil sa heart attack

By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2016 - 09:18 AM

Pumanaw na sa edad na 72 ang singer na si Frank Sinatra Jr., matapos ang ‘massive heart attack’.

Si Sinatra ay nasa Daytona Beach sa Florida para sa isang concert na gaganapin sana sa Peabody Auditorium.

Kinansela ang nasabing konsyerto matapos na sumama umano ang pakiramdam ni Sinatra at kinailangan itong dalhin sa Halifax Medical Center. Habang nasa ospital ay inatake sa puso si Sinatra.

Si Sinatra Jr., ay unang naging tanyag matapos ang pagdukot sa kaniya sa Lake Tahoe noong 1963 at siya ay 19-anyos pa lamang.

Matapos makapagbayad ng ransom na $240,000 ay nakalaya ng ligtas si Sinatra Jr.

Mula noon sinundan na niya ang yapak ng kaniyang ama na si Frank Sinatra Sr. sa larangan ng musika.

Si Sinatra Sr. ay pumanaw noong 1998 dahil din dahil sa heart attack noong taong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.