Pope Francis, magkaka-‘Instagram’ na rin

By Kathleen Betina Aenlle March 17, 2016 - 03:44 AM

Sa pagdiriwang ng kaniyang ikatlong taon bilang pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo, magbubukas ng kaniyang Instagram account si Pope Francis sa Sabado.

Tulad ng mga sikat na celebrities, makikisali na rin si Pope Francis sa pagba-bahagi ng mga litrato sa Instagram gamit ang username na ‘Franciscus’.

Ayon sa Vatican, personal na pinili ng Santo Papa ang petsa sa Sabado dahil kasabay na ito ng kaniyang ikatlong taon sa panunungkulan.

Ang pagbubukas ni Pope Francis ng Instagram account ay isa pang hakbang para makatiyak siyang makakarating sa mas maraming mga tao, nananampalataya man sa Simbahang Katoliko o hindi, lalo na sa mga kabataan ang kaniyang mga mensahe.

Una nang nagkaroon ng Twitter account si Pope Francis na ang username ay @Pontifex kung saan siyam na wika ang ginagamit niya sa mga tweets.

Ang English account nito ay umabot na sa 9 million ang followers, habang ang Spanish naman ay nasa 11 million na.

Noong nakaraang buwan lamang ay nagkita ang CEO at co-founder ng Instagram na si Kevin Systrom at si Pope Francis, at napag-usapan pala nila ang kapangyarihan ng mga litrato para mapag-isa ang mga tao sa buong mundo anuman ang kultura at wika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.