China nagbanta sa Argentina dahil sa paglubog ng isang Chinese vessel
Pinagbantaan ng China ang pamahalaan ng Argentina na huwag nang uulitin ang kahalintulad na insidente kung saan ay pinalubog ng Argentine Coast Guard ang isang Chinese fishing vessel.
Sa website ng Chinese Foreign Ministry ay kanilang inamin na totoong pumasok sa karagatang sakop ng Argentina ang fishing vessel na Lu Yan Yuan Yu.
Sinabi rin ng China na dapat tiyakin ang maayos na pagtrato sa mga inarestong crew ng nasabing fishing boat.
Nauna dito ay sinabi ng pamahalaan ng Argentina na makatwiran lamang ang kanilang ginawa dahil iligal na pumasok sa kanilang bansa ang mga Chinese fishermen.
Hindi umano ito ang unang pagkakataon na pumasok sa kanilang karagatan ang mga barko ng China para mangisda.
Nagtangkang tumakas ang mga crew ng Lu Yan Yuan Yu kaya ito hinabol ng mga otoridad at pinalubog ang kanilang mga barko.
Nailigtas naman ang lahat ng 32 crews na nakatakda nang ipa-deport sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.