Shabu lab sinalakay sa Pampanga, mga operator nakatakas

By Ruel Perez March 16, 2016 - 04:51 PM

shabu
Inquirer file photo

Bigo ang mga operatiba ng PNP Anti-Illegal Drug Group at Philippine Drug Enforcement Agency na maaresto ang hinihinalang operator ng medium scale clandestine shabu laboratory na sinalakay ng mga operatiba sa Brgy 75-9 Clover st. Timog Park Subd, Brgy Pampang, Angeles City sa Pampanga kanina.

Ayon kay PNP-AIDG spokesperson C/Insp. Roque Merdeguia, nakilala ang mga occupant ng nabanggit na shabu lab na sina Rosemarie Xiao at isang John Doe na hindi na natagpuan sa nabanggit na shabu lab.

Ang raid sa clandestine shabu lab ay isinagawa kaninang 8:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Angeles City Executive Judge Omar Viola.

Nakumpiska sa raid ang 120 sako ng white crystalline flakes , 12 barrels ng di matukoy o undetermined susbtance, 3 containers ng undetermined liquid, at mga laboratory equipment na ginagamit panghalo at pangluto ng kemikal para maging droga.

Nauna nang sinabi ng PNP-AIDG na magiging tuluy-tuloy ang kanilang mga operasyon kontra sa iligal na droga kung saan may ilang mga opisyal din ng pamahalaan ang posibleng sangkot sa mga ito.

TAGS: Angeles City, PDEA, PNP, shabu, Angeles City, PDEA, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.