‘Kumander Waning’ ng MILF, napatay sa engkuwentro sa Zamboanga, Sibugay

By Isa Avendaño-Umali March 13, 2016 - 02:49 PM

 

Mula sa Google Maps

Patay ang isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos tumangging maaresto ng mga otoridad sa Naga, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Western Mindanao Command o Westmincom Commander Lt. General Mayoralgo Dela Cruz, ang napatay na MILF Commander ay si Waning Abdusalam alyas Waning, na sangkot sa iba’t ibang kaso ng kidnap-for-ransom.

Sinabi ni Dela Cruz na napaslang si Waning pasado alas-otso ng Linggo ng umaga makalipas makipagbakbakan sa tropa ng mga sundalo at pulis sa Barangay Singkilon. Dinala ang mga labi ni Waning sa isang ospital sa Zamboanga Sibugay.

Nabatid na si Waning ang responsable sa serye ng kidnapping sa Zamboanga Sibugay sa nakalipas na mga taon.

Sa labing dalawang dinukot umano ni Waning, tatlo at mga guro noong 2009, at ang isa ay ang Australian national na si Warren Rodwell noong 2011.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.