Pito, sugatan sa aksidente sa Quezon City

July 08, 2015 - 07:54 AM

IMG_4530
Kuha ni Jong Manlapaz

Pito katao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Northbound lane ng EDSA-Quezon Ave, Quezon City.

Nabatid na nakahinto ang Yohance Bus Line (UYB-464) na minamaneho ni Marjon Magsalay nang banggain sa likurang bahagi ng Diamond Star Bus (UVU 374) at minamaneho ni Dave Dortugal.

Pawang biyaheng Malanday-Baclaran ang dalawang nagkabanggang bus.

Lima ang nasugatan sa mga pasahero ng Diamond Star kabilang na ang konduktor nito habang dalawa naman sa Yohance Bus ang nagtamo ng mga galos sa kanilang katawan.

Dinala naman sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatang biktima.- Jong Manlapaz/Erwin Aguilon

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.