Mahigit 90 lokal na opisyal, pinagpapaliwanag ng Ombudsman kaugnay sa dump sites

By Kathleen Betina Aenlle March 12, 2016 - 12:55 AM

Ombudsman1Hindi bababa sa 30 imbestigador ang ipinadala ng Office of the Ombudsman para ihatid ang kautusan para pag-paliwanagin ang mahigit 90 lokal na opisyal kaugnay sa paglabag nila sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o RA 9003, ang batas tungkol sa mga illegal dumpsites.

Hinainan ng kautusan ang mga mayors, vice mayors at mga konsehal sa Isabela, Nueva Vizcaya, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Albay, Quezon, Oriental mindoro, Northern Samar, Leyte at Palawan.

Magugunitang noong Pebrero, sinimulan ng Ombudsman ang pag-iimbestiga sa nasa 600 lokal na opisyal sa buong bansa dahil sa mga illegal dumpsites at iba pang pag-labag sa mga batas pang-kalikasan.

Kabuuang 50 reklamo ang isinampa sa 50 local government units, sa 13 rehiyon.

Ayon sa mga nag-reklamo, ang mga mayors, vice mayors at iba pang lokal na opisyal ay nag-sabwatan sa pag-labag sa RA 9003, lalo’t mayroon silang mandato para magpatupad ng mga polisiya at kontrol sa pondo ng kanilang mga lungsod.

BInigyan ng Ombudsman ang mga opisyal ng 30 araw para mag-sumite ng kanilang paliwanag at Safe Closure and Rehabilitation Plan (SCRP), kasama na ang panukala sa agad na pagsa-sara ng open dump site.

Inatasan rin sila na i-detalye ang kanilang mga naging “specific tasks, activities and legislative action to be completed within six months of SCRP implementation.”

Nakasaad sa RA 9003 na hindi maaring mag-tayo o magpatakbo ng open dumpsites ang sinuman, maging mga local government units, at lahat ng open dump sites ay dapat gawing controlled dumps.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.