World’s largest cruise ship nagsimulang maglayag

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2016 - 07:49 AM

Harmony of Seas AFP Photo
AFP Photo

Nagsimula ng maglayag ang bagong cruise ship ng France na itinuturing na pinakamalaking cruise ship sa buong mundo.

Galing sa STX France shipyards sa Saint-Nazaire sa western France, sinubukan nang ibyahe sa karagatan ang Harmony of the Seas na cruise ship ng Royal Caribbean.

Kayang magsakay ng 5,479 na pasahero at 2,394 na crew members ng nasabing barko.

Nagkakahalaga ang barko ng $1.1 billion at sinimulan itong buuin noong September 2013.

Libu-libong katao ang nagtungo sa shipyard para panoorin ang unang paglalayag ng 120,000-tonne ship.

Sa unang paglalayag, 500 ang sakay ng barko na karamihan ay mga opisyal ng kumpanya, supplers at mga crew.

Inaasahang tatagal hanggang sa Linggo ang paglalayag ng barko.

Habang nasa shipyard, pinayagan ang mga turista na makapasok sa loob ng barko na mayroong 16 na decks at may habang 362 meters.

TAGS: Harmony of the Seas, Harmony of the Seas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.