Partial solar eclipse nasaksihan iba’t ibang bahagi ng bansa

By Isa Avendaño-Umali March 09, 2016 - 09:48 AM

Partial Eclipse sa Cebu / CDN Photo
Partial Eclipse sa Cebu / CDN Photo

Dumagsa ang mga tao sa bahagi ng University of the Philippines o UP Diliman observatory upang masaksihan ang partial solar eclipse.

Sa katunayan, maaga pa lamang ay visible na ang solar eclipse na na-enjoy naman ng mga tao.

Photo from Isa Avendaño-Umali
Photo from Isa Avendaño-Umali

Kaniya-kanyang dala ng mga telescope ang mga nagtungo sa UP, habang mayroon ding mula sa PAGASA-DOST.

Dakong 8:58am, naging mas malinaw ang partial solar eclipse, batay na rin sa naunang pagtaya ng PAGASA.

Ibig sabihin, sa ganoong oras mas nakita o maximum ang eclipse.

Natapos ang solar eclipse dakong alas 10:00 ng umaga.

Nasaksihan din ang eclipse sa ibang bahagi bansa.

Photo from Isa Umali
Photo from Isa Umali

Sa Indonesia, inabangan ng libo-libong mga turista ang total solar eclipse na nakita sa malaking bahagi ng bansa.

Nagsimula ang eclipse alas 6:20 ng umaga sa Indonesia.

Maaga ding gumising ang mga turista sa Singapore at Malaysia para saksihan ang eclipse.

 

TAGS: partial solar eclipse, partial solar eclipse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.