LP members sa Puerto Princesa City nagpahayag ng suporta kay Marcos

March 05, 2016 - 02:14 PM

BBM2
BBM pic

Inikot ni Vice Presidential Candidate Sen. Bongbong Marcos ang Puerto Princesa City sa Palawan na kilalang balwarte ng Liberal Party.

Ito Ay matapos siyang pormal na iindorso ni City Mayor Lucilo Bayron at Vice Mayor Luis Marcaida III maging ng mga Konsehal nito na pawang mga miyembro ng Liberal Party, ang partidong kinaaaniban nina Presidential Candidate Mar Roxas at VP candidate Leni Robredo.

Bilang pagpapakita rin ng suporta, sinamahan pa si Marcos ng mga lokal opisyal na mag-ikot ang caravan mula sa Junction 1 hanggang Puerto Princesa City Baywalk.

Sa mainit na pagtanggap sa kanya ng lungsod ay nagpasalamat si Marcos sabay nang paniniyak na babaunin at gagawing inspirasyon ang nakita niyang pagkakaisa ng mga mamamayan sa Puerto Princesa.

“Kaya tama na! Panahon na para magkaisa na tayo. Alang-alang ito sa ating mga anak, at sa mga susunod pa nating salinlahi! Totoo, ito ay sadyang mahirap na proseso, pero alam kong ito ay kayang-kayang gawin! At kailangan na natin itong simulan sa lalong madaling panahon,” ani Marcos.

Muling inulit ni Marcos na isusulong niya ang pagkaka-isa sa larangan ng pulitika sakaling maluklok siya sa ikalawa sa pinaka-mataas na pwesto sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.