P14Million na halaga ng Shabu timbog sa Iligan City

By Den Macaranas March 05, 2016 - 02:08 PM

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Nakumpiska ngmga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos ay dalawang kilo ng Shabu na may street value na P14Million mula sa apat na drug dealer sa Iligan City.

Sinabi ni PDEA Region 10 Dir. Wilkins Villanueva na ilang araw din nilang sinubaybayan ang isang kulay itim na Toyota Vios na umano’y galing sa Davao City.

Kanina ay natiyempuhan nila ang nasabing sasakyan sa basement parking ng isang mall sa Iligan City kung saan umano magaganap ang bentahan ng droga.

Kaagad na inaresto ang mga suspects na sina Jimmy Sarip, Ryan Abdul Malik, Sanwiya Ampaso at Khadaffy Aloyudan na pawang mga residente sa Salvador Lanao Del Sur.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow up operations ang mga tuhan ng PDEA sa nasabing lungsod para tugisin ang ilan pang kasamahan ng mga arestadong drug dealer.

Kamakailan ay isang mag-asawa naman ang naaresto ng PDEA  sa nasabi ring lungsod kung saan nakuha sa mga ito ang isang kilo ng Shabu.

Subalit nagtataka ang mga opisyal ng PDEA dahil pinakawalan ng Piskalya ang nasabing mga suspect.

TAGS: Iligan City, Illegal Drugs, PDEA, shabu, Iligan City, Illegal Drugs, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.