German national patay nang mahulog sa bangin sa Boracay

By Den Macaranas March 05, 2016 - 11:51 AM

Boracay1
Inquirer file photo

Patay ang isang German national makaraan siyang mahulog sa isang bangin nang magtangkang tumakas sa mga humahabol na tauhan ng Bureau of Immigration at Philippine National Police sa Boracay.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Rodulf Wilhelm Stolz, 66-anyos at residente sa Boracay.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, pasado alas-siyete ng umaga kanina nang kumatok sa kanyang bahay ang mga nagpakilalang tauhan ng PNP at B.I para i-serve ang isang deportation order.

Dito na umano nagwala si Stolz sabay bunot ng baril at pinaputukan ang isang ahente ng Bureau of Immigration saka mabilis na tumakas.

Hinabol siya ng mga alagad ng batas hanggang siya’y mawalan ng balanse at mahulog sa isang bangin kung saan naman ay nabagok ang kanyang ulo.

Tumanggi ang mga B.I personnel na pangalanan ang kanilang sugatang tauhan na ngayo’y ginagamot na sa isang ospital sa bayan ng Kalibo.

Wala ring inilibas na detalye ang mga otoridad kung para saan ang deportation order na kanilang ihahain sana para sa German national na si Stolz.

TAGS: boracay, Bureu of Immigation, philippine national police, boracay, Bureu of Immigation, philippine national police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.