China tuloy sa paglalagay ng mga missiles sa WPS

By Den Macaranas March 05, 2016 - 10:57 AM

Missile China
Xinhua

Sinabi ng China na tuloy pa rin ang pagpapadala nila ng mga air-to-surface missile sa kanilang mga isla sa bahagi ng South China Sea.

Ito ang maiksing tugon ng Chinese Foreign Ministry kaugnay sa pagpapadala ng U.S ng kanilang aircraft carrier at ilang destroyer sa malapit sa mga pinag-aagawang mga isla.

Nauna dito ay sinabi ni U.S Pacific Command Head Admiral Harry Harris na hindi nila papayagan ang anumang uri ng militarization sa South China Sea dahil makaka-apekto ito sa world trading.

Ang UUS Blue Ridge kasama ang USS John C. Stennis at mga destroyers na Chung-Hoon at Stockdale  at mga  cruisers Anteitam and Mobile Bay.  Kasalukuyang nasa South China Sea.

Pero nilinaw ng Pentagon na regular ang kanilang pagbisita sa nasabing lugar at hindi dapat bigyan ng anumang kulay ang kanilang presensiya doon.

Maingat naman ang Philippine Navy sa pagbibigay ng pahayag sa galaw ng mga barko ng China partikular na sa may bahagi ng Quirino Atoll.

Sa kasalukuyang ay tanging mga barko ng Philippine Coast Guard ang umiikot sa ibat-ibang mga isla na sakop ng bansa sa bahagi ng West Philippine Sea.

TAGS: China, U.S, USS Blue Ridge, West Philippine Sea, China, U.S, USS Blue Ridge, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.