Maria Ozawa umamin, Naka one-night stand si Cesar Montano

By Den Macaranas March 03, 2016 - 07:58 PM

maria-ozawa-and-cesar-montano-for-NILALANG-605319
Inquirer file photo

Umamin ang dating Japanese adult movie actress na si Maria Ozawa na nagkaroon sila ng “one night stand” ng aktor na si Cesar Montano.

Sa kanyang podcast, tinanong ni Mo Twister si Ozawa kung ano ang tingin niya sa kanyang naging leading man sa pelikulang “Nilalang” na si Cesar Montano kung saan ay  kaagad siyang sumagot na mabait ang aktor.

Diretsahang tinanong ang aktres kung nagkaroon sila ng sexual encounter ng aktor, noong una’y puro tawa lamang ang kanyang isinagot hanggang sa aminin niya na minsan silang nagkaroon ng pagkakataon na magkasarilinan ni Cesar.

Pero kaagad na nilinaw ni Ozawa na minsan lamang iyun nangyari kung saan ay tinawag pa niya ito bilang “saying hello sex”.

Naganap umano ang kanilang one-night stand bago simulant ang shooting ng kanilang pelikula noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Nilinaw din ni Ozawa na hindi niya naging boyfriend ang aktor.

Magugunitang si Cesar ang humalili bilang leading man ni Ozawa sa nasabing pelikula makaraang umatras sa project si Robin Padilla dahil sa maselang pagbubuntis noon ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

TAGS: Ceasr Montano, Maria Ozawa, One night stand, Ceasr Montano, Maria Ozawa, One night stand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.