20 naospital dahil sa ammonia leak sa Cavite

By Chona Yu March 02, 2016 - 01:00 PM

silang caviteIsinugod sa ospital ang dalawampung katao matapos magkaroon ng ammonia gas leak sa isang ice factory sa Carmona, Cavite.

Nagsimula ang ammonia leak sa loob ng Golden Mile Business Park kaninang alas 7:00 ng umaga.

Nabatid na bigla na lamang nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at nahirapan na huminga ang mga biktima.

Ayon sa pahayag ng Polytrade Company, nag-ugat ang leak sa condenser ng ice factory.

Nasa maayos naman nang kalagayan ngayon ang mga naospital na biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.