Lolo patay sa sunog sa Cebu City

By Cebu Daily News, Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2016 - 08:41 AM

cebu-city-mapNasawi ang isang 83-anyos na lolo sa sunog na naganap kagabi sa Sitio Upper Kawayan sa Barangay Sambag 2, Cebu City.

Natagpuan ang katawan ni Eleuterio Jamiro sa loob ng kaniyang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nagsimula ang sunog alas 9:38 ng gabi kagabi at labingsiyam na bahay ang natupok ng apoy.

Ayon sa mga kapitbahay, nadinig pa nilang humihingi ng tulong si Jamiro pero nahirapan silang iligtas ito dahil mabilis na kumalat ang apoy sa kaniyang kwarto.

Nasa 32 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasabing sunog.

Inaalam pa ng fire investigators kung ano ang pinagmualn ng apoy, pero ayon sa mga residente sa lugar, walang kuryente sa bahay ni Jamiro kaya gumagamit lamang ito ng kandila o lampara.

TAGS: 83 year old man dies in Cebu City fire, 83 year old man dies in Cebu City fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.