Madonna, pinag-aaralang i-ban nang tuluyan sa Pilipinas

By Mariel Cruz February 28, 2016 - 07:09 PM

Madonna performs during the premiere of her Rebel Heart tour Wednesday, Sept. 9, 2015 in Montreal.  (Ryan Remiorz/The Canadian Press via AP)
(Ryan Remiorz/The Canadian Press via AP)

Pinag-aaralan na ngayon ng Malacanañg na i-ban sa pagpe-perform sa bansa ang American singer na si Madonna matapos nitong hindi irespeto ang watawat ng Pilipinas sa kanyang Rebel Heart concert sa SM Mall of Asia arena noong nakaraang linggo.

Hindi ikinatuwa ng ilang opisyal sa bansa ang tila paggamit ng 57-year-old na si Madonna sa Philippine flag bilang tapis o balabal habang nagpe-perform sa kanyang concert.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nais ng Malacañang na pagbawalan nang magperform sa bansa ang Grammy award winner at Queen of Pop.

Batay sa 1998 law, maaaring hatulan ng isang taong pagkakakulong at magbayad ng kaukulang multa ang sino man na magsusuot sa Philippine flag bilang costume o uniform.

Inirekomenda na rin ng ilang awtoridad na patawan din ng kaukulang parusa ang organizer ng concert ni Madonna kaugnay sa Philippine flag incident.

Sa ngayong ay wala pang pahayag ang pamunuan ng Music Management International na producer ng Manila concert ni Madonna sa naturang issue.

TAGS: Madonna Rebel Heart concert, Madonna Rebel Heart concert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.