Army detachment pinagbabaril sa Albay, isang sundalo sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2016 - 11:42 AM

Daraga AlbaySugatan ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng tinatayang limang miyembro ng New People’s Army ang Army Detachment sa Barangay San Ramon, Daraga, Albay.

Ayon kay Col. Perfecto Peñaredondo, commander ng 2nd Infantry Battalion sa Albay, naganap ang insidente alas 6:35 ng umaga.

Nasa layong 300 metro aniya mula sa detachment ang mga tauhan ng NPA na namaril.

Sinabi ni Peñaredondo na umabot sa isang minuto lamang ang pamamaril na nagresulta sa pagkasugat ni Sgt. Lorenzo Hernan.

Dinala na sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital si Hernan para magamot, habang nagsasagawa pa rin ng pursuit operations ang militar laban sa mga namaril na rebelde.

Ayon kay Peñaredondo, bagong tayo lamang ang detachment sa Daraga para sa mga tauhan ng 22nd Infantry Battalion (CAFGU).

Una nang natukoy na “NPA influenced barangay” ang San Ramon, pero nagawa itong malinis sa mga rebelde sa pamamagitan ng Bayanihan Team efforts ng AFP noong nakaraang taon.

TAGS: Albay, Soldier hurt in NPA attack in Daraga, Albay, Soldier hurt in NPA attack in Daraga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.