14-anyos na bomb expert isinuko sa AFP

By Ruel Perez February 24, 2016 - 04:58 PM

IED (1)
Inquirer file photo

Isinuko ng kanyang sariling mga tiyuhin ang 14-ayos na ‘child soldier’ na umano’y sinanay ng mga rebeldeng New People;s Army sa paggawa ng IED o Improvised Explosive Device sa Pantukan, Compostela Valley.

Ayon kay Capt. Rhyan Batchar, hepe ng Public Affairs Office ng Philippine Army 10th Infantry Division, humingi ng tulong ang dalawang tiyuhin ni Alias John sa Peace and Development Team ng 46th Infantry Batallion para maging maayos ang pagtiturn over nito sa mga otoridad.

Nakakatanggap na rin umano ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang kanilang pamangkin mula sa mga dating kasamahan dahil sa tumatanggi na ito na sundin ang utos ng mga rebelde.

Kaagad naman na naiturn over si Alias John sa Pantukan PNP at saka ito itinurn over sa pangangalaga ng DSWD.

Matatandaan na isa pang ‘child soldier’ na si Alias Dong, 14-anyos din kasama ang isa pang CPP-NPA member ay  naaresto sa isang checkpoint habang tumatakas makaraang magka-enkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng Militar at NPA sa Sitio Post 4 sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley noong February 9 lamang.

TAGS: AFP, Campostela Valley, IED, Minor, NPA, AFP, Campostela Valley, IED, Minor, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.