Mahigit 270,000 na ang nasawi sa 5-year conflict sa Syria
Umabot na sa mahigit 270,000 ang nasasawi sa limang taong kaguluhan sa Syria.
Sa datos ng Syrian Observatory for Human Rights na naka-base sa Britain, Mula noong March 2011, umabot na sa 271,138 na katao ang nasasawi.
Kabilang dito ang 79,106 na mga sibilyan, 13,500 na mga kabataan at 8,760 na kababaihan.
Ang mga Non-jihadist rebel fighters na nasawi sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Syria ay umabot na 46,452, habang ang mga nasawing Islamists at extremist fighters kabilang ang mga dayuhan ay nasa 44,254.
Ayon sa nasabing monitoring group, kabilang din sa datos ng mga nasawi ang 97,842 na pro-regime fighters.
Mula noong Disyembre nang huling magpalabas ng bilang ang grupo ay nakapagtala agad ng 10,000 karagdagang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.