Kidnapper patay, bata na-rescue ng PNP sa Marawi City

By Den Macaranas February 20, 2016 - 05:46 PM

Marawi City1Patay ang lider ng isang kidnap-for-ransom group sa Marawi City makaraan siyang makipag-barilan sa mga tauhan ng Philippine National Police.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, ang napatay na  suspect ay kinilalang si Jun Nazir na residente sa Madalum Lando Del Sur.

Si Nazir ang sinasabing utak sa pagdukot sa isang 7-year-old na estudyante sa Cagayan De Oro City noong February 12.

Kahapon ay nagkasundo sina Nazir at ang mga magulang ng biktima na magkita sa isang lugar sa Marawi City para sa Payoff ng hindi binanggit na halaga ng pera kapalit ng kalayaan ng biktima.

Nang maramdaman umano ng suspect ang presensiya ng mga pulis ay kaagad itong nakipagbarilan sa mga tauhan ng PNP kung saan ay sugatan din sina Senior Inspector Ramses Cartagena at PO1 Jeremy Rivera.

Makaraan ang ilang minuto ay napatay ng mga pulis ang suspect.

Sa kanilang follow-up operations ay narekober ng mga pulis ang dinukot na estudyante samantalang hinuli naman nila ang tatlong kaanak ng biktima dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa napatay na suspect.

TAGS: CDO, KFR, Marawi City, PNP, CDO, KFR, Marawi City, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.