Pulis sa Laguna, patay sa pamamaril

By Kathleen Betina Aenlle February 20, 2016 - 05:31 AM

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang pulis habang nasa kritikal na kundisyon naman ang kaniyang kasamang sibilyan matapos silang barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Calamba City sa Laguna, Biyernes ng hapon.

Naganap ang pag-atake sa pulis na si PO3 Arnold Saguirre, na naka-talaga sa Sta. Rosa City police station, ganap na alas-4 ng hapon malapit sa isang kainan sa Brgy. Real, Calamba City.

Ayon sa hepe ng Calamba City police na si Supt. Fernando Ortega, bago maganap ang pag-atake ay namataan pa si Saguirre at ang kaniyang kasama sa isang CCTV footage na tila may hinihintay.

Hindi naman na nabanggit ni Ortega kung nakita rin sa footage ang mga suspek, at kinukumpirma pa kung on duty si Saguirre nang mangyari ang insidente.

Bukod sa tinitingnang anggulo ng iligal na droga, wala nang ibang ibinigay na detalye si Ortega.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.