Tone-toneladang iligal na campaign materials gagawing mga bag at tents

By Den Macaranas February 18, 2016 - 07:51 PM

election campaig materials
Inquirer file photo

Umabot sa halos ay pitong tonelada ng mga campaign materials na gawa sa mga tarpaulins at plastic banners ang nai-turnover ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa EcoWaste Coalition.

Ang nasabing mga recycleable materials ay ibibigay naman sa ibat-ibang mga Baranggays at Non-Governmental Organizations (NGOs) para gawing mga bags, tents at iba pang kapaki-pakainabang na mga bagay.

Nauna dito ay nagsagawa ng Oplan Baklas ang mga tauhan ng MMDA laban sa mga iligal na election campaign materials at iba pang mga posters na inilalagay sa hindi mga otorisadong lugar.

Hinimok naman ng Comelec ang publiko sa kanilang shame campaign sa pamamagitan ng paglalagay sa mga social networking sites ng mga campaign materials na nakalagay sa mga hindi itinalagang common poster areas.

Umaasa ang Comelec at ang MMDA na sa pamamagitan ng ganitong uri ng kampanya ay mababawasan ang kalat na dulot ng mga campaign materials lalo na dito sa Metro Manila.

TAGS: comelec, Ecowaste, Metro Manila, Tarpaulin, comelec, Ecowaste, Metro Manila, Tarpaulin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.