Pulis nahulihan ng P1Million halaga ng shabu sa Laguna

By Jan Escosio February 18, 2016 - 07:47 PM

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Hindi na nakapalag ang isang pulis nang arestuhin siya ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isang hotel sa lungsod ng Calamba sa Laguna.

Ayon kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., nakuha kay SPO2 Adelardo Gauarano ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P1Million.

Bukod kay Gauarano, na tauhan ng CALABARZON Police Public Safety Batallion, inaresto rin ang kanyang mga kasama na sina Leonilen Pabulario at Ram Rebueno.

Isinagawa ang drug bust sa isang kuwarto ng Oliva 88 Hotel sa Barangay Paciano sa Calamba City.

Tiniyak ng pinuno ng PDEA na magtutuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa iligal na droga kahit na sino pa ang tamaan sa kanilang ginagawang crackdown.

Nauna na ring sinabi ng opisyal na may ilang elected-officials silang minamanmanan kaugnay sa illegal drug activities sa bansa.

TAGS: Cacdac, laguna, PDEA, shabu, Cacdac, laguna, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.